Lunes, Setyembre 28, 2015

Ang Aking Tropa

     Bawat indibidwal ay may tinuturing na tropa. Sila iyong mga taong kasa-kasama natin sa galaan, paaralan at maging sa gimikan. Kinokonsidera natin silang mga kapatid sa ibang magulang. Bawat problemang dumating sa ating buhay, nariyan silang nakaalalay at magbigay sa atin ng payo. Isa sila sa pinakamahahalagang yaman sa buhay ng bawat tao.
     Sa parke ng aming paaralan kami ay madalas magbonding ng aking tropa. Doon madalas kaming nagrerebyu, kumakain, nagrerecess, tumatambay at higit sa lahat nagtatawanan. Kung wala sila,anong saysay ng ating buhay diba? Marahil ay ang lungkot ng magiging istorya natin kung wala tayong masasabing tropa. Kaya't napakasuwerte namin at nakahanap kami ng tunay na kaibigan.



Dito kami madalas tumambay sa SLC Youth Park. Dito kami gumagawa ng mga asaynment,  nagmemeryenda at nagpapalipas ng oras.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento